Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-Puerto Princesa police chief dinikdik sa Ombudsman

0 247

Sinampahan na ng kasong kriminal at administratibo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang sinibak na police director ng Puerto Princesa City dahil sa iligal na pag-aresto at pambubugbog sa walong empleyado ng kagawaran noong Hunyo 10.

Patung-patong na mga kasong torture, unlawful arrest, slight physical injuries, obstruction of apprehension and prosecution of criminal offenders, at graft and corruption ang isinampa sa Office of the Ombudsman laban kay Col. Marion Balonglong.

Nahaharap din siya sa mga kasong administratibo tulad ng grave misconduct, grave abuse of authority, at conduct prejudicial to the best interest of the service at paglabag sa Republic Act 6317 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.