Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-rebel niligpit ng NPA

0 126

Patay ang isang magsasaka matapos tambangan ng hinihinalang dating tropa sa New People’s Army (NPA) sa Tandag City.

Kinilala ng Surigao del Sur Police Provincial Office ang biktima na si Belmer Sikoti Andaya alyas Oloy, 34, taga-Purok Upper, Barangay Maitom, at 10-taon nang tumiwalag sa NPA.

Sa report ng Tandag City Police Station, nakatanggap sila ng tawag kaugnay sa pamamaril sa Purok Upper alas-11:15 Sabado ng umaga.

Sinabi naman ni Jovelyn Ojao Andaya, asawa ng biktima, na umalis ang mister alas-6:00 ng umaga para tingnan ang kanilang abaca farm.

Bandang 8:00 ng umaga ay natagpuan ang bangkay ng biktima na binalutan na ng dahon ng saging.

Malaki ang hinala ng kabiyak ng biktima na mga rebelde ng Guerrilla Front 30, North Eastern Mindanao Regional Committee ang responsable sa pagpatay kung saan kapwa sila dating miyembro ng communist movement at umalis noong 2011 para magbalik-loob sa pamahalaan.

Nakumpiska pinangyarihan ng krimen ang tatlong 5.56 mm cartridges at isang 5.56mm ammunition na kumitil sa buhay ng dating rebelde. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.