Abante Tonite Interactive

Ex-SMB player, asawa frontliner sa UK

1,367

Ibang landas na ang kinakaharap ngayon ni former Philippine Basketball Association (PBA) player Michael ‘Mike’ Mustre kung saan isa na siyang health worker na pumupuksa at lumalaban kontra sa coronavirus disease 2019 sa United Kingdom.

Naninilbihang healthcare assistant sa kasalukuyan ang five-time PBA champions nang naglalaro pa sa San Miguel Beer, sa St. George’s University Hospitals NHS Foundation Trust kahit walang background sa medisina.

“Hindi ko rin akalain na makakapag-work ako sa ospital,” sambit ni Mustre sa SPIN.ph at siyam na taon nang naninilbihan bilang medical worker. “Nasanay na rin ako. Dati takot ako sa dugo. Pero ngayon nasanay na. Nakapag-adjust na ako.

Mabuti nga rin na nakakatulong tayo sa mga tao,” sabi pa ng tapos ng Commerce sa Letran at dati ring Knights na jumu-duty ng 12 hours apat na araw sa isang linggo dahil sa nasabing health pandemic.

At kahit pa nasa operating room para sa spine at brain surgeries, naka-alerto pa rin si Mustre dahil sa dami ng kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

“Oo marami na (cases dito), sa building namin halos lahat na,” kwento ng former Beermen (1995-2002). “Kaya dito lahat ng pasyente considered namin as COVID-19 positive.”

Bukod sa 52-anyos na tubong Bacolod, isa ring frontliner kontra COVID-19 ang kanyang asawa na nagtatrabaho sa isang private hospital at mas may close contact sa nasabing sakit dahil ito ay naka-assign sa Intensive Care Unit.

Tonite – Wendys Inhouse Ad