Abante Tonite Interactive

Ex-soldier ng Samar itinumba

116

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang dating sundalo sa Eastern Samar kamakalawa.

Minamaneho ni retired Staff Sergeant Alberto Asis, 48-anyos, ang kanyang traysikel dakong alas-11:45 ng umaga noong Sabado nang pagbabarilin siya ng kanyang tatlong pasahero sa bahagi ng Barangay Calutan sa bayan ng General McArthur.

Ayon kay Chief Insp. Bella Rentuaya, tagapagsalita ng Eastern Visayas Police Regional Office, isinigaw umano ng mga suspek na sila ay miyembro ng NPA bago pinagbabaril ang biktima.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek at kung totoong mga NPA ang mga ito.