Abante Tonite Interactive

Ex-solon feelingero sa hearing

By
0 223

Marami ang nakapuna na hindi pa rin nakaka-move on at feeling mambabatas pa rin ang isang dating miyembro ng Kongreso.

Sa isang public hearing kasi ng komiteng dating pinamumunuan ni Mr. Ex-Lawmaker, lumabas ang pagnanasa nitong bumalik sa dating trabaho nang maimbitahan itong maging resource person.

Aba’y umaktong chairman ba naman ang dating mambabatas dahil siya na ang nagtatanong sa mga inimbitang bisita sa pagdinig.

Hindi naman ito pinigilan ng chairperson ng komite bilang paggalang sa dating kasamahan.

May patakaran kasi na tanging mga senador lamang ang maaaring magtanong sa mga resource person at kung nais nilang magtanong ay kailangan pang humingi ng permiso sa chair ng komite.

Clue: Ang ating bida ngayon ay may letrang ‘S’ sa kanyang pangalan as in Sarap ng tsokolate.