Abante Tonite Interactive

Ex-solon galante sa trip

416

Nami-miss daw ng ilang miyembro ng Kamara ang dati nilang kasamahan sa trabaho.

Bukod kasi sa kalog ang dating mambabatas, good provider din ito as in ito ang kanilang ‘baka’ na kayang magbigay ng kanilang kaligayahan.
Kapag pumunta kasi sila sa Macau para magliwaliw, private jet ang kanilang sinasakyan.

Siyempre, hindi na sila dadaan sa mga tsismoso sa NAIA dahil mula probinsya ay direct flight patungong Sin City.

Nawala na ang dating lider ng grupo at ang pumalit, walang kabuhay-buhay. Kahit mayaman, hindi naman marunong mag-share sa kagrupo.

Clue: Ang dating mambabatas na galante sa gastusan sa kagrupo ay guwapo at may let­rang A sa kanyang pangalan.