Abante Tonite Interactive

Ex-solon naging film critic

343

Mula nang mawalan ng trabaho matapos matalo sa nakaraang hala­lan, may ibang pinagkakaabalahan nga­yon ang dating mambabatas.

Hilig daw ngayon ng ex-solon na manood ng pelikula na bihira niyang gawin noong miyembro pa ng Kongreso.

Pero hindi yata nawala ang pagiging kritiko ng politiko dahil pati na ang kanyang pinanood na pelikula ay hinusgahan.

Gusto yatang pumasok ng kumag sa Rotten Tomatoes, isang American review-aggregation website para sa film at television.

Ang tanong na lang ay kung papasa ang komento ng ex-solon sa mga bigating film critic.

Clue: Ang dating mambabatas na naging film critic simula nang mawalan ng trabaho ay laging naka-eyeglass at may letrang A sa kanyang pangalan.