Abante Tonite Interactive

Ex-solon rumaket sa bilyonaryong negosyante

316

Matagal din na nawala sa politika itong da­ting kongresista ng isang malayong lalawigan sa bansa.

May mga nagsasabing tumambay lang ito para makapaghinga upang makabuwelo sa kanyang pagtakbo muli ­bilang kinatawan ng kanilang bayan sa dara­ting na halalan.

Ngunit sa natisod na info ng Tonite, rumaket pala ang ex-solon sa bil­yonaryong negosyante nang gawin itong consultant.

Magaling kasing gumawa ng pera itong da­ting mambabatas kaya’t natipuhan ng bilyonar­yong hilig mangamkam ng ari-arian, ang talento nito.

Ang tanong lang e kung makakabalik pa kaya ang mambabatas sa dati niyang puwesto.

Muntik na kasing ma­talo ang pinatakbo niya noong 2016 elections kung hindi nakalusot ang ginawa nilang milagro sa bilangan ng boto.

Clue: Ang ex-solon na rumaket sa bilyonaryong negosyante ay dating may negosyo sa transportasyon. May letrang M sa kanyang pangalan as in Madrid.