Abante Tonite Interactive

Ex-solon umastang reporter

266

Sino raw itong dating miyembro ng Lower House ang umastang reporter sa dinaluhang okasyon sa Parañaque City?

Nabatid ng Tonite na habang iniinterview daw kasi ang isang dating opisyal ng gobyerno, itong dating congresswoman ay lumapit din at nakisiksik sa mga reporter.

Kung camera ang gamit ng mga television reporter, cellphone naman ang bitbit ng dating lady solon.

Abante Hiring – IT dep

Nag-Facebook live raw ang da­ting mambabatas habang kinakapanayam ng media ang ex-government official sa event.

Sino naman kaya ang mga follower ng politiko sa FB? Malamang na ang asawa niyang malaki ang tenga na muntik pang talunin si yoda sa pala­kihan ng tenga.

Clue. Ang dating mambabatas na umastang reporter sa event ay senior citizen na at may letrang G sa kanyang pangalan as in Ginamos.