Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-teacher laglag sa P7M bigas scam

0 180

Swak sa piitan ang isang dating guro kaugnay sa panggagantso diumano nito ng multi-milyong halaga sa kanyang mga nagiging katransaksyon sa bigas sa Quezon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director P/Brig. General Ronnie Montejo ang nadakip na si Nomer Malenab, 38, ng Brgy. Bagong Bantay.

Base sa ulat, alas-11:45 Huwebes ng gabi nang isagawa ang operasyon laban sa suspek sa bisa na rin ng warrant of arrest na inilabas ni Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 271 Hon. Paz Esperanza. Nabatid na nahaharap sa tatlong bilang ng kasong Estafa si Malenab dahil na rin sa panloloko.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Sherlyne Utrillo, isa sa mga nabiktima ng suspek, nagawang siyang makuhanan ng P7 milyon ni Malenab bilang kabayaran sa bigas na binili nito subalit makaraan na makapagbayad ay hindi na-i-deliber sa kanya ang inorder.

Lumalabas na bukod kay Utrillo ilan din sa mga naloko nito na pinangakuan na babagsakan ng tone-toneldang bigas ay nakuhanan din ng P10 milyon at ang iba naman ay umabot pa sa P50 milyon.

Dahil dito, nanawagan naman ang QCPD District Special Operation Unit na siyang dumakip kay Malenab na lumutang sa kanilang tanggapan ang iba pang mga nabiktima nito upang maidagdag sa kaso na kakaharapin ng suspek. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.