Abante Tonite Interactive

Ex-TESDA chief olat sa gubernatorial race

411

By JC ­Cahinhinan

Bigo si dating TESDA Director General Guiling ‘Gene’ Mamondiong sa kanyang tangkang kunin ang pagka-gobernador ng Lanao del Sur nitong katatapos lamang ng midterm election.

Base sa datos ng Commission on Elections (Comelec), tinambakan si Mamondiong ng higit 192,000 boto laban kay Governor-elect Mamintal ‘Bombit’ Alonto Adiong Jr.

Si Adiong na tumakbo sa ilalim ng partidong Lakas-CMD ay nagtala ng 234,070 vote samantalang ang boto na kinubra ni Mamondiong na pambato ng PDP Laban ay umabot lamang 41,465.

Samantala, kumain din ng alika­bok ang mga pambato ng adminis­trasyon sa nasabing lalawigan dahil wala kahit isa sa kanilang mga manok ang nakalusot sa kakatapos lamang ng halalan noong Lunes.

Ang mga nabanggit na resulta ay batay sa 1,085 ng 1,235 clustered precinct o 87.85 porsiyento ng kabuuang bilang nito sa buong lalawigan.

Isa si Mamondiong sa mga dating miyembro ng gabinete sa ilalim ng Administrasyong Duterte na hindi pinalad magwagi noong nakaraang Mayo 13.