Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-Tesda exec natagpuang patay

0 194

Isang dating opisyal ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang natagpuang wala nang buhay kung saan duguan ang paligid ng bangkay nito nang mabungaran ng kanyang kapamilya sa Mandaluyong City, Linggo ng umaga.

Hinihinala naman ng pulisya na suicide ang sanhi ng pagkamatay nito.

Isa rin sa tinitingnan ng mga awtoridad ang posibilidad na uminom ng kemikal na pantanggal ng bara ng lababo ang dating TESDA director matapos na may makitang bukas na bote ng naturang kemikal sa tabi nito.

Batay sa imbestigasyon ng Mandaluyong City Police, nabatid na alas-8:05 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng dating opisyal sa kanilang bahay.

Bago natagpuang patay iniwan pa itong natutulog sa loob ng kanilang bahay.

Ayon naman sa mga awtoridad, isasailalim pa nila sa awtopsiya ang bangkay ng biktima upang matukoy ang totoong dahilan ng pagkamatay nito.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa kaso. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.