Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-university prexy sa Samar tinodas ng Akyat-Bahay

0 137

Patay ang dating presidente ng isang unibersidad sa Northern Samar matapos pagsasaksakin ng hindi pa kilalang mga suspek na nanloob sa kanilang bahay sa bayan ng Catarman, Linggo ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Rolando Delorino, 64, dating presidente ng University of Eastern Samar.

Isinugod ito sa Northern Samar Provincial Hospital subalit idineklarang dead on arrival dahil sa mga tinamong mga saksak sa katawan.

Sa inisyal na ulat ng Catarman Municipal Police Station, alas-5:45 ng madaling-araw ng matagpuan na lang ng kanyang anak na babae ang biktima na duguan malapit sa pintuan ng kanilang kusina sa ground floor ng tatlong palapag nilang bahay.

Sa imbestigasyon, pinasok ng mga kawatan ang bahay ng biktima subalit posibleng naramdaman ito ni Delorino kaya sinubukan nitong manlaban hanggang sa pagsasaksakin.

Hindi na rin umano natuloy ang pagnanakaw ng mga suspek dahil posible na ring tumakas ang mga ito matapos nilang mapatay ang biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya at tinitingnan na rin nila ang mga kuha ng CCTV malapit sa bahay.

Si Delorino ay ika-anim na president ng UES at nagsilbi ito mula 2016 hanggang 2019. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.