Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-varsity player, 3 pa tiklo sa paglalako ng shabu

0 479

Arestado ang apat na tulak ng iligal na droga kabilang ang dating college basketball varsity player sa isinagawang buy-bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Cebu Police Provincial Office sa Talisay City, Biyernes ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang mga naarestong suspek na sina RG Guangco Rios, 30, at huling naglaro sa isang kilalang kolehiyo na sadyang hindi na binanggit ang pangalan noong 2011.

Kasama ni Rios ang tatlo pang tulak na subject din ng buy-bust operation na sina Rolando Logroño Sarao, 38, John Kerby Remocaldo Matulin, 25, at Daryl Famador Gabaca, 28.

Sa ulat, nadakip ang mga suspek sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad pasado alas-dos ng madaling-araw sa Sitio Nonoc, Brgy. San Isdro ng nasabing lungsod kung saan nakuhanan ang mga ito ng 12 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P81,000.

Ayon sa pulisya, umabot ng tatlong linggo ang isinagawa nilang surveillance operation laban sa grupo bago nila ikasa ang buybust nitong Biyernes.

Nakakapag-dispose umano ang grupo ng mula 50 hanggang 100 gramo ng shabu kada linggo base sa kanilang isinagawang surveillance operation.

Sa ngayon ay nakakulong ang mga suspek sa Talisay City Police Station habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga ito.(Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.