Abante Tonite Interactive

Ex-vice mayor, brgy chairman tinumba sa Bulacan

137

Patay ang dating bise alkalde ng Pandi, Bulacan gayundin ang kasama niyang barangay chairman makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem, Linggo ng hapon.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, kinilala ang mga biktima na sina dating Pandi vice mayor Oscar Marquez at Mauro Capistrano, chairman ng Brgy. Bagbaguin sa nasabing bayan.

Bandang ala-una ng hapon nang mangyari ang insidente sa tapat ng isang restaurant sa Bulacan habang nakatayo ang dalawa at mayroong hinihintay nang biglang hintuan sila ng riding-in-tandem.

Binaril sa ulo si Capistrano habang nakatakbo naman si Marquez patungo sa isang bakanteng lote pero sinundan siya ng mga suspek at pinagbabaril din.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya ng Bulacan hinggil sa naganap na krimen at sinisilip na rin ang mga closed-circuit television (CCTV) sa lugar na pinangyarihan ng insidente para makakuha ng detalye sa pagkakakilanlan ng mga suspek. (Jun Borlongan/Edwin Balasa)