Abante Tonite Interactive

Ex-wife ni Daryl Ong umeksena

923

“Makasali na nga sa Idol Philippines para malaman na!” Facebook post ito ni Hazel Velasco, the EX-WIFE of Daryl Ong.

Tama ang term na EX-WIFE para kay Hazel dahil unang-una ay annulled na ang kasal nito kay Daryl.

Tanong ng bayan, ano kayang problema nitong si Hazel sa buhay? Bakit napaka-harsh ng litanya niya sa kanyang Facebook post?

May kinalaman kaya ito sa recent activity ni Dea Formelliza na napa-wow ang judges ng “Idol Philippines” nang mag-audition ito kamakailan? Inamin mismo sa television ni Dea na boyfriend niya si Daryl Ong?

Sa isang Facebook thread ng conversation ni Hazel Velasco sa manager ni Daryl na si Vehnee Saturno ay may sinabi pa itong si Hazel na siya raw ang EX at ORIGINAL? Anong ibig niyang palabasin?

Ayon sa aming source, “Hindi pa rin ba nakakapag-move-on si Hazel kay Daryl? Hindi pa ba tapos si Hazel sa kanyang dating asawa?

“O, naiinggit itong si Hazel sa napakagandang Dea Formelliza na current jowa ni Daryl?”

Bakit ganyan ang treatment niya sa current girlfriend o sa babaeng ipinalit sa kanya ni Daryl? Bigla siyang umeeksena sa papasikat na career ni Dea?”
Hindi kaya in-love pa rin si Hazel Velasco kay Daryl Ong kaya kini- claim pa rin niya na siya ang original?

Bukas ang panig ni Hazel sa ikalilinaw ng isyu. (Dominic Rea)