Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-Wirecard exec kumpirmadong patay na – Guevarra

0 149

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra nitong Huwebes na pumanaw na nga ang ex-Wirecard executive na si Christopher Reinhard Bauer sa isang ospital sa Parañaque City noong July.

“Per official documents submitted to the NBI [National Bureau of Investigation], Christopher Reinhard Bauer, a German national/businessman, died on 27 July 2020 in a Parañaque hospital due to natural causes. He was subsequently cremated. He was the same person summoned by the NBI in connection with the Wirecard fraud investigation,” ayon kay Guevarra.

Nauna rito ay pinaghahanap si Bauer matapos pumutok ang balita hinggil sa Wirecard, isang German payment service provider, dahil sa nawawalang pera nito na 1.9 billion Euro o US$2.1 billion.

Samantala, inihayag din ng Bureau of Immigration (BI) nitong Huwebes na sinibak na sa puwesto ang dalawang opisyal nito na sangkot sa pamemeke ng travel record ng dati ring Wirecard executive na si Jan Marsalek.

Sinabi rin ni BI spokesperson Melvin Mabulac na suportado nila ang pagsasampa ng kaso laban kina Immigration Officer Perry Michael Pancho at Marcus Nicodemus.

Leave A Reply

Your email address will not be published.