Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ex-Wirecard exec nagtatago sa `Pinas

0 315

Pinaniniwalaang nasa Pilipinas pa at nagtatago sa mga awtoridad ang dating chief operations officer ng Wirecard-Southeast Asia na si Jan Marsalek, ayon sa isang miyembro ng team na nag-iimbestiga sa $2 bilyong scam na kinasasangkutan ng isang abogadong Pinoy.

“We are working on the premise that he is still here and just in hiding. The records indicated that he has assistance from Bureau of Immigration staff to fudge his movements,” batay sa source ng online news site Bilyonaryo.

Sinabi ng source na dumating si Marsalek sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 via Singapore noong Hunyo 23. Nakasaad aniya sa rekord ng Bureau of Immigration (BI) na isang turista ito pero ang kanyang departure mula sa Cebu airport ay bilang mister naman ng isang Filipino national.

“There’s a ban on arrival of tourists due to the pandemic, so they tried to correct the entry in the Cebu records to a foreign national with Filipina spouse,” anang source.

Nasa ilalim din aniya ng enhanced community quarantine ang Cebu kaya walang paraan para payagan itong makalipad mula Maynila papuntang Cebu kahit na chartered flight.

Iniimbestigahan na aniya ngayon ng BI ang kanilang Management Information Systems (MIS) Division personnel na nakabase sa NAIA at Cebu. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.