Abante Tonite Interactive

Exciminiano nadisgrasya

656

Alanganin nang makapaglaro para sa upcoming 45th PBA season sa Marso si Rain or Shine playmaker Ping Exciminiano.

Nagka-Achilles tendon injury si Exciminiano habang naglalaro para sa isang ‘ligang labas’ dalawang linggo na ang nakalilipas.

Matagal nang bawal sa PBA na maglaro ang mga player nila sa ‘ligang labas’ maliban kung pinayagan ito ng kanilang mother team.

Sa kasamaang palad pa, naaksidente Exciminiano ilang araw bago pumirma ng bagong kontrata sa Elasto Painters. Kaya na-hold muna ito.