Abante Tonite
Mabilis sa Balita

EXO D.O. lalabas na sa military

0 78

Halos kalahating taon pa lang ang EXO na si D.O. o Doh Kyung Soo sumula nang mag-enlist ito sa kanyang military service noong July 2019.

Karaniwang dalawang taon halos ang pagsi-serve ng mga male Korean sa kanilang military enlistment. Pero sa kaso ni D.O., napaaga ang kanyang paglabas sa military.

Kinumpirma ito ng kanyang agency, ang SM Entertainment.

“D.O. is currently on a final leave and will be discharged on January 25, 2021 without returning to the base. This is in accordance with instructions aimed to prevent the spread of COVID-19. There will be no separate discharge event.”

Sa loob ng halos anim na buwan na nag-enlist si D.O., nag-participate siya sa military musical na “Return: The Promise of the Day.” Si D.O. rin ang ikalawang miyembro ng EXO na nakakumpleto na ng kanilang military service. Ang una ay si Xiumin na siyang oldest member ng grupo.

Nasa final break na si D.O. from military at mag-aabot na ito hanggang sa discharge niya. Bukod sa kanilang grupo, ilang drama na rin ang nagawa niya . Sa paglabas nito, may naghihintay na agad na project sa kanya, ang pelikulang “The Moon.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.