Abante Tonite Interactive

EXO Do nag-trending worldwide

200

tonite-annyeong-rose-garcia

Minsan pang pinatunayan ng EXO kung gaano sila kalakas. Hindi naman lahat ng boy at girl groups sa South Korea ay kayang-kaya ngang magpa-trending worldwide basta nagustuhan nila.

Ang grupong EXO ang isa sa pinaka-popular naman talaga ngayon among the South Korean­ boy groups.

At pagtungtong nga nang 12 midnight KST nu’ng January 12 ay sinimulan na ng mga tagahanga ng EXO, lalo na ni DO (Do Kyung Soo) ang pagti-tweet ng pagbati nila ng Happy Birthday.

Nag-trending worldwide at nag-top 1 ang hashtag na #PrinceKyungsooDay at ang #HappyKyungsooDay ay pumasok din sa top 10.

Isa sa mga tweet kay EXO DO ay “Happy Birthday to our velvet voice vocalist Do Kyung Soo. Thanks for blessing us all these years with not only your voice and acting, but also your genuine­ love and affection.
“Thanks for being our precious Do.”

Si Do ay 26 years old na at ipinanganak noong January 12, 1993.