Abante Tonite Interactive

EXO Kai, BlackPink Jennie split na

281
tonite-this-is-it-roldan-castro
Hiwalay na  sina Kai  ng EXO at si Jennie ng BlackPink.
Kinumpirma ito ng agency ng EXO na SM Entertainment.  Ganoon din ng YG Entertainment na humahawak sa career ng BlackPink.
Hindi naman ibinigay kung ano ang dahilan.
Umabot din ng apat na buwan ang relasyon nila. Basta ngayon ay focused muna sila sa kanilang mga career.

Mikaela pambato ng Australia

Marami ang nagkaka-bet sa kinatawan ng Australia para sa Miss Intercontinental 2018 na ang koronasyon ay gaganapin ngayong gabi sa MOA Arena. Siya ay si Mikaela Rose Fowler.
Ang panuntunan niya sa buhay ay laging mag-concentrate kung ano ang gustong gawin sa buhay. Kaya push talaga siya para makatapos ng Bachelor Degree in Communication Design (with a focus on marketing).
Nagkaroon din siya ng oportunidad na sumabak sa modeling at rumampa sa Melbourne Fashion Week at naging brand ambassador.
Excited siya ngayon sa kanyang Miss Intercontinental journey. Gusto rin daw niya na magbigay ng inspirasyon sa mga tao na gawin kung ano ang mga pangarap nila sa buhay.

Ice, Liza tutok magka-baby

 

Seryoso na ang mag-asawang Ice Seguerra at FDCP Chairman Liza Diño na magkaanak ngayong 2019.
Naka-focus sila ngayon sa procedure na makabuo ng baby.

 

“Successful procedure!!! Thank you Lord,” caption sa Instagram post ni Liza  na makikita ang video nila ni Ice.
“They were able to harvest 3 good eggs from Ice. ‘Yung iba daw maliit na talaga. Tamad na daw kasi mag-produce ng eggs ang ovaries ni Ice. Hala! Feeling ko narinig ng ovaries ni Ice yung sabi nya na ibebenta na nya kasi unused. Haha! But at least we were able to retrieve 3.

 

“At dahil dyan, May nursery rhyme na kami! Hit it love! #misteratmisiszaza#projectzazababy,” dagdag pa niya.