Abante Tonite Interactive

Exo Kai nahirapang huminga

259

Kinuhang image model si EXO Kai, Kim Jong-In sa tunay na buhay, ng Gucci Eyewear! Siya ang kauna-unahang Korean star na nag-endorse ng nasabing global brand.

Naglabas na nga ng photo shoot na makikitang suot-suot ni Kai ang Gucci eyewear. Ang naturang Italian luxury brand ay naglabas ng kanilang 2019 Fall/Winter eyewear campaign.

Isa si Kai sa may pinakamaraming tagahanga sa mga miyembro ng EXO. Nagugustuhan sa kanya ang husay niya sa pag-perform. Charisma at attitude.

Sa isang banda, dahil sa sunod-sunod na activities ng EXO through their “EXO Planet EXplOration” series of concert tour, inaabot sila ng three days o two days sa bawat bansa. Hindi magkasya sa isang gabi lang ang mga gustong makapanood. Hindi na nakapagtataka na bumibigay rin ang kalusugan ng ilang miyembro.

Pinag-usapan sa social media ang diumano’y nangyari kay Kai. Napansin na raw ng mga nanonood sa “EXO Planet #5 EXplOration” concert nila sa Singapore noong Linggo na tila nahihirapan na itong huminga. Pero tinapos pa rin nito ang lahat ng performances nila.

May mga nakapansin lang na sa grupo, nauna nang umalis si Kai. May balitang dinala ito sa ospital or may medics na tumingin dito. Posibleng over fatigue ang isa sa dahilan kung bakit mukha itong masama ang pakiramdam.

After their concert, balitang bumalik din sila sa Seoul, South Korea. ‘Yun nga lang, mukhang hindi pa rin ito makakapag-rest completely dahil may mga series of concerts pa rin sila. Bukod pa sa kumpirmadong miyembro rin si Kai sa bagong grupo na binuo ng kanilang agency, ang SM Entertainment, ang “K-pop supergroup” in collaboration with Capitol Records.

Kung walang aberya, next month o October na raw ang start ng promotion ng grupo at ang ine-aim nila ay ang American market.