Abante Tonite Interactive

EXO Lay ‘di pabor sa protesta sa HK

319

Sa gulong nangyayari ngayon sa bansang Hong Kong, nag-post ng kanyang stand ang isa sa miyembro ng South Korean boy group na EXO na si Lay.

Si Lay ay si Zhang Yixing sa totoong buhay. Ang nationality niya ay Chinese kahit na isa sa siya sa miyembro ng isa sa popular boy group na EXO. Among the idols, si Lay ang considered as one of the most numbered endorsements.

Ever since, ipinapakita ni Lay kung gaano niya kamahal ang China at kung paano niya ito sinusuportahan. With the ongoing issue of China and Hong Kong, nagbigay nga si Lay ng kanyang komento sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.

Ayon sa EXO member, “Believe in the country, oppose violence, hope for peace in Hong Kong, China. I support Hong Kong police, fight me/you can fight me.”

May balita rin na kinansel daw ni Lay ang endorsement contract niya sa Samsung Electronics for damaging China’s territorial integrity.

Naging viral daw ang news na ito sa Weibo, China’s online community and was viewed 840 million times.

Nag-warning din daw si Lay sa isa pa niyang endorsement, ang Calvin Klein na irespeto ang “One China” policy ng Beijing pagkatapos maglabas ng balita na ang Hong Kong at Taiwan ay mga independent countries.

Dinepensa naman ng representative ni Lay ang singer kung bakit may ganito itong stand.

Sey ng representative ni Lay, “He is against any acts or words that split his country.”

Dahil sa naging Twitter post ni Lay, nakatanggap ito ng magkakasalungat na reaction mula sa kanyang fans.

Isa sa comment ng fan, napakalakas daw ng influence ni Lay at sana raw, ginagamit niya ito sa tama.

Isang pro-Hong Kong citizen ang nag-comment dito na very disappointed siya sa singer/composer/producer.

Pero meron din naman na nagpapakita ng suporta kay Lay at sinasabing since Lay is from Mainland China, walang nakakaalam kung hindi rin nito control ang sitwasyon niya ngayon.

Sabi ng isang comment, “Everything that Yixing does have good intentions that comes from the bottom of his heart.

So many things that happen are not within his control, let the man breathe.”

(Rose Garcia)