Abante Tonite Interactive

EXO Lay may legal action sa cyber bullying

By
3,003

Idinaan na sa legal action ng EXO member na si Lay ang mga natatanggap daw na cyber bullying o pangba-bash sa kanya sa social media. Gayundin daw ang ilang threats na nakukuha niya at kunsaan, idinadamay pa ang pamilya niya.

Si Lay o si Zhang Yixing sa totoong buhay ay isang Chinese na miyembro ng sikat na Korean boy group na EXO at ang sub-unit nito na EXO-M. Nagsimula si Lay ng showbiz career niya noong 2005 sa talent show na Star Academy sa China. Pero 1991 at six year old pa lang ay nasa pag-arte na siya sa isang Chinese drama at 2011 naman, pagkatapos niyang makapasa sa isinagawang audition ng SM Entertainment. Nagpunta ng South Korea para sa pagsisimula ng idol training niya and eventually, he became one of the member of EXO.

Bukod sa pagiging member ng EXO, nakakagawa rin siya ng ilang drama sa SoKor. Pero masasabing may solo career din siya sa China. Sa huling show ng EXO sa Japan, hindi nakasama si Lay dahil nasa China ito at kasalukuyang pino-promote ang album at show niya.

Nabalita rin na diumano’y iiwan na ni Lay ang EXO at magko-concentrate na lang sa China. Kaya laking tuwa ng mga fan niya nang bumalik ito kamakailan lang. ‘Yun nga lang, sa kabila nito, isa si Lay sa mga nakatatanggap ng mga pangba-bash at threats sa social media.

Ayon sa report ng soompi.com, noong May 14 ay nag-file na ng legal action si Lay at ang Beijing Xingquan Law Firm, ang nagre-represent sa singer at sa personal studio. Nag-post ang mga ito ng statement ng cease and desist at kunsaan, idinetalye ang mga malicious comment. Ganoon din ang death threat na natatanggap niya at ng kanyang pamilya.

Ayon sa law firm na nagre-represent kay Lay, hindi nila ito-tolerate ang cyber bullying. “There have continuously been insults and slander posted online directed towards Zhang Yixing and his family.”

Bago pa man ang action na ito ng law firm ni Lay na naka-base sa China, meron din daw ongoing na kaso na nai-file na noong February­ 2018 sa ilang individual na nangba-bash at nagti-threat sa singer. Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan ito sa Haidian District People’s Court sa Beijing.

Saad pa ng law firm ni Lay, “[We] the lawyers are taking action in accordance with the law on behalf of Zhang Yixing. There will be no forgiveness shown.”

Sa isang banda, sang-ayon naman ang ilang mga netizen sa ginagawang hakbang na ito ni Lay. Ilan nga sa mga komento na nabasa namin, “I’m glad they’re finally taking action against these people. Yixing and his family do not deserve this kind of treatment, in fact, no one does. I hope this can minimize the amount of threats they are getting!”