Abante Tonite
Mabilis sa Balita

EXO Sehun sasabak sa drama

0 172

Isang malaking sorpresa ng EXO member na si Sehun ang kauna-unahan niyang drama.

Matatawag itong “treat” sa kanyang mga tagahanga.

Kumpirmado na nga na makakasama si Sehun sa “Now, We Are Breaking Up,” bagong show ng SBS.

Nakatakdang magsimula ang filming ngayong buwan at sa second half ng taong ito ang airing. Kinumpirma na rin ito ng kanyang agency, ang SM Entertainment.

Si Sehun ang isa sa iilan na lang na K-pop Idol o miyembro ng EXO na hindi pa talaga sumabak sa drama. Pero noon pa man, marami na ang clamor sa kanya sa acting at mapanood sa ganitong palabas. It took him a long time bago tuluyan na ngang umarte.

Support muna ang role ni Sehun bilang first drama niya ito. Pero napaka-bongga ng casting at talagang inaabangan na. Comeback din ito ng South Korea’s goddess na si Song Hye Kyo after ng divorce nila ni Song Joong Ki.

SM food to go Banner Ad

Si Song Hye Kyo ang bida, along with South Korean actor Jang Ki Yong.

Si Song Hye Kyo ang gaganap sa role na Ha Young Eun, manager ng design team at a fashion label, habang si Jang Ki Yong naman ang photographer na si Yoon Jae Guk. Si Sehun ay new designer sa fashion label na nagtatrabaho si Ha Young Eun (SHK).

Ilan sa mga comment ng netizens, “I am so proud of Sehun acting together in one drama with South Korea’s Beauty Song Hey Kyo unnie.”

“My long-awaiting dream has come true: SEHUN IN A DRAMA. On top of that: IN THE SAME DRAMA AS SONG HYE KYO.”

“Finally, we’ll get to watch Sehun in a normal drama. I’m excited.”

Bukod sa bonggang line-up ng cast, ibang klase rin ang record ng magiging director nito na si Lee Gil Bok .Nagawa na niya ang past drama niya tulad ng ‘My Love From the Star,’ ‘Vagabond’ at ‘Dr. Romantic 2’.

Leave A Reply

Your email address will not be published.