Abante Tonite Interactive

Expand your circle: Make new friends

26

Samantalahin ang bawat okasyon na pupuntahan. Kung laging kasama ang mga friends noong college at high school sa mga lakaran o gimik, panahon para magkaroon o makakilala ng mga bagong kaibigan.

At hindi ka magkakaroon ng mga new friends kung ang mga old friends mo lang lagi ang kasama mo.

Lumabas ka ng comfort zone at maging open sa mga bagong karanasan o experiences.

Abante Hiring – IT dep

Tumanggap ng mga birthday invitations sa mga kasamahan sa trabaho kahit pa hindi mo naman sila masyadong close. Go where the people are-some of them may just be your new friends.

Kapag nasa social occasions ka na, maging friendly at kung kaya mo, ikaw na ang magsimula ng conversation.

Bilang panimula, pwede mong tanungin ang pangalan nila, ano ang ginagawa sa buhay at kung saan nagtatrabaho. Sabayan ito ng matamis na ngiti para maging magaan ang mood.

Kapag nagsimula na ang inyong pag-uusap , pwede mo nang itanong ang tungkol sa hobby o paborito nitong gawin o pasyalan.

MEET AND GREET

Kapag nakita o nakasalubong mo uli siya sa mall o simbahan, huwag mag-atubili na batiin ito kahit pa sa tingin mo ay nakalimutan ka na niya.

If they don’t remember, sabihin na lang muli ang pangalan mo at siguradong hindi ka na niya makakalimutan.

KEEP THE NEW PEOPLE IN MIND

Kapag kinailangan ng kaibigan, halimbawa sa trabaho o isang project, subukang imbitahin ang mga new friends dahil sa pamamagitan nito, mas lalo mo silang makikilala. Plano mo bang magpa-lunch party?

Tawagan at imbitahin ang bagong chick na nakilala last time at kapag kinailanngan ng catering job, subukan ang luto ng bagong friend na mahilig sa cooking .

YOUR BEST FRIEND CAN BE A FRIEND OF A FRIEND

Never underestimate the possibilities of mutual friends. Hindi mo alam na ang kaibigan ng kaibigan mo noong college ay mahilig din palang mag –Zumba, o isang friend of a friend na `click’ agad sa iyo ang sense of humor. Masarap ang maraming kaibigan , mas masaya. Ika nga ng kasabihan na.. the more the merrier.