Abante Tonite Interactive

Express road networks sa Norte

By
5

CABANATUAN CITY — Ang pagkakaroon ng mga ‘expressway road networks’ na nakakonekta sa Bulacan at patungong Cagayan Valley sa norte ang nakapaloob pa sa 50 year development plan ng lungsod.

Bilang bahagi ng pagdiriwang sa 3rd Banatu Festival celebration, ipinaliwanag ni City Mayor Julius Cesar Vergara na noon pang year 2000, sa kaniyang unang termino ay idinisenyo at pinagtibay ng Sangguniang Panlunsod noon ang mga sinusunod na mga pagawain dito.

Ayon kay Rodrigo Gonzales, information officer, sa ilalim ng slogan na ‘Pagbabago at Progreso’ ay naisagawa ang maayos na pamamahala sa kaban ng lungsod.

Maayos umano ang financial status ng lungsod na nakakolekta ng may P1.1 B noong 2016 at kasaluku­yang cash in bank na P1.8 B at meron lamang P230 M na pagkakautang.