Abante Tonite Interactive

‘Extension’ sa hatol sa Maguindanao massacre nasa kamay ng SC

0 126

Nasa kamay umano ng Supreme Court (SC) ang desisyon sa kahili­ngan ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Jocelyn Solis-Reyes na bigyan pa ang mababang korte ng kaunting panahon para sa gaga­wing promulgasyon laban sa mga akusado ng Maguindanao massacre, ayon sa Department of Justice (DOJ) .

“(We) shall leave this matter to the sound discretion of the Supreme Court. But we really hope that the good judge would be able to promulgate her decision sooner than la­ter,” ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

Dahil sa nalalapit na 10th anniversary ng Maguindanao Massacre sa November 23, umaasa ang pamilya ng mga biktima na mahahatulan ng ‘guilty’ ang 197 akusado.

“Hindi katanggap-tanggap ay iyong mga pangyayaring ito na tumatagal ng higit 10 taon para makakuha ng katarungan,” sabi naman ni Harry Roque, abogado ng mga biktima.

Sa 58 na biktima, 32 ang mga journalist at ilang miyembro ng Mangudadatu clan, na kasama noon ni dating Maguindanao governor and ngayo’y Rep. Esmael ‘Toto’ Mangudadatu, nang paulanan ng bala ng baril ang kanilang convoy sa Ampatuan town noong November 23, 2009.

Ibinaon ang mga napatay an biktima sa mababaw na mass grave kung saan nakita pa sa lugar ang ginamit na backhoe. (Dolly Cabreza)