Abante Tonite Interactive

Extra service ng mga spa

333

Dear Abante Tonite:

Ilang spa na nag-aalok ng extra service sa kanilang mga kustomer ang ni-raid nitong mga nakalipas na araw sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Hindi nakapagtataka kung kumakalat ang mga nakakahawang sakit dahil sa mga ganitong klase ng establisimiyento na nagsisilbing front ng prostitusyon.

Hindi mahuhuli ang mga ito sa regular inspection lamang. Siyempre ‘pag alam ng mga operator o may-ari na magkakaroon ng inspection sa kanilang lugar ay aayusin nila ito para maitago ang iligal na aktibidad.

Dapat biglaan o surprise inspection ang isagawa para masuyod lahat ng spa na ginagawang sex den.

Malaking bagay din kung magiging alerto ­lamang ang barangay na nakakasakop sa mga spa na ­nagsulputang parang kabute sa iba’t ibang ­pamayanan.

Imposibleng hindi alam ng mga nasa barangay ang modus ng mga establisimiyentong ito.

Kumilos naman po kayo.

Mario
Quezon City