Abante Tonite Interactive

Eya-EJ Laure tandem sa susunod na taon

354

Mukhang masasakatuparan na ang naantalang pagtatambal sa UAAP women’s indoor volleyball ng magkapatid na sina EJ at Eya Laure sa season 82.

Nang matanong ang nakatatandang Laure kung makapaglalaro na tapos lumiban ng dalawang season dahil sa shoulder injury, pinahayag nito na hiling niyang muling makabalik sa playing court.

“Hopefully next year. Sana,” ayon kay EJ.

Kung matuloy, bubuhayin ng dalawa ang tandem nila noong 2013 kung saan nakasungkit sila ng championship sa high school para sa University of Santo Tomas.

“Syempre wala namang magbabago since nung high school kami. Nagka-team na kami, so siguro ganun pa rin kami sa college naman,” ayon sa 21-anyos na si EJ.

Sa posibleng pagbabalik ni EJ, magiging maganda pa rin ang takbo ng team kahit pa graduate na ang kanilang star player at hinirang na season MVP na si Sisi Rondina. (RMP)