Abante Tonite Interactive

F2 Logistics kampeon; Maraño, Baron bumaon

By
1,165

Muling hinirang na kampeon ang F2 Logistics matapos pasukuin sa Game 2 ang mahigpit na karibal na Petron, 25-18, 23-25, 25-23, 25-18, kahapon sa finals ng Chooks to Go-Philippine Superliga Invitational Conference sa Ynares Sports Arena,Pasig City.

Pinasan nina skipper Aby Maraño, Majoy Baron at Ara Galang ang Cargo Movers upang sikwatin ang pangatlong korona at makabawi sa Blaze Spikers.

Naghabol sa umpisa ang Cargo Movers subalit kumayod si Baron para isalba ang koponan sa unang set.

Kumana sina Maraño at Galang ng tig-15 points habang may tig-10 sina Baron at Cha Cruz.

Bumanat si Cherry Rondina ng 20 markers subalit hindi sumapat para akbayan sa panalo ang Petron.

Nitong taon, kinalos ng Petron sa finals ang Cargo Movers sa 2018 Grand Prix.

Kaya naman matamis ang pagkakapanalo ngayon ng F2 Logistics sa event na suportado ng Isuzu, UCPB Gen at SOGO Hotel kasama ang ESPN5, Hyper HD at Aksyon TV bilang broadcast partner.

Unang korona ng Cargo Movers sa PSL ay ang 2016 All Filipino Conference,sunod ang 2017 PSL Grand Prix.

Pang-apat na paghaharap ng Cargo Mo­vers at Blaze Spikers, tabla na ang kanilang iskor, nagwagi ang Petron sa 2017 All-Filipino confe­rence.