Abante Tonite Interactive

F2 may paandar na online bingo

0 331

Habang pahinga muna ang mga manlalaro ng 8th Philippine SuperLiga (PSL) 2020, may paandar naman ang F2 Logistics nang makisabay ito sa social media trend ngayon.

Sa Twitter page ng Cargo Movers kahapon, tila nakiayon ito sa mga bored na naka-home quarantine nang gumawa ng ‘Online Bingo’ na akma para sa fans ng women’s volleyball team.

Nakasaad sa nasabing bingo ang iba’t ibang experience ng isang fan kasama ang naturang koponan. Maaaring i-check ang nasabing paepek kung nagawa mo na ito gaya ng “had a selfie with a Cargo Mover player’ o ‘Had an autograph from an F2 Cargo Mover player’ at marami pang iba.

Marami naman sa mga fan ang natuwa sa gimik ng koponan at nagsilbi nila itong libangan habang suspendido muna ang mga laro sanhi ng COVID-19. (Aivan Denzel Episcope)