Abante Tonite Interactive

F2, Petron, Cignal paborito – Gorayeb

321

Tinuro ni PLDT Home Fibr coach Rogelio Gorayeb na mga patok ang F2 Logistics, Petron at Cignal sa maiksi lang na 7th Philippine SuperLiga Invitational Conference 2019 na sasambulat sa Setyembre 24.

ay halos lahat naman ay contender para maging kampeon.

Hinirit niyang dehado ang Power Hitters niya bata-bata pa sa dalawang taon pa lang na magkakasama habmbing sa tatlong team na maraming mga beteranong player.

“Siyempre lamang diyan ‘yung consistent maglaro, laging nandyan ‘yung F2, Petron at Cignal, pero lahat naman contender hindi mo masabi baka biglang may lumakas kasi ‘yung format ngayon parang two weeks lang kaya lahat ng laro bakbakan agad,” esplika ni Gorayeb sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel Manila sa Jorgo Bocobo, Malate.

Hatid ang talakayan ng nasabing hotel, San Miguel Corporatio, Braska Restaurant at Philippine Amusement and Gaming Corporation o Pagcor.(Elech Dawa)