Abante Tonite Interactive

F2 vs. Foton sa finals

By
8

Mga laro ngayon (The Arena)
2:00 p.m. — Amy’s vs. Navy (battle for 7th)
4:00 p.m. — Generika vs. Cignal (battle for 5th)

Tinapos ng F2 Logistics Cargo Movers ang mis­yon ng Petron Tri-Activ Spikers na back-to-back ­titles matapos ilista ang 25-18, 25-15, 25-13 panalo ­kahapon sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa The Arena sa San Juan.

Diretso sa Finals ang Cargo Movers para rebansehan ang tanging team na tumalo sa kanila ngayong conference, ang Foton Tornadoes.

Matapos ang malinis na walong panalo, minan­tsahan ng Tornadoes ang Cargo Movers sa second round.

“Natutuwa ako sa team kasi lumabas ‘yung maturity kaya happy ako,” wika ni F2 coach Ramil de Jesus. “Itong finals na ito, lahat gagawin namin par­a manalo.”

Bumira si Kim Dy ng nine attacks at dalawang blocks, tumulong si Cha Cruz ng anim na attacks, tatlong service aces at isang block para sa F2 Logistics.

“Kailangan ko tulungan mga teammates ko kaya dapat pumuntos agad ako,” ani Dy.

Bukod kina Dy at Cruz, nakitaan ng tikas sina Dawn Macandili na naglista ng 12 digs at Kim Fajardo­ na namigay ng 22 excellent sets.

“Kailangan kong buhayin ‘yung bola, pag nag-error­ ka dapat bawi agad,” sabi ni Macandili.

Umentra sa Finals ang Foton nang lagukin ang RC Cola-Army Lady Spikers, 21-25, 25-19, 25-15, 25-21 noong Huwebes.

Malinis sa tatlong laro ang Foton sa second round, 2-1 ang F2 Logistics.

Maghaharap ang Army at Tri-Activ Spikers para sa third place.

Samantala, tatapatan ng Cignal ang Generika para sa battle for fifth matapos nilang patalsikin ang Standard Insurance-Navy, 25-19, 25-19, 25-21, sa classification match.