Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Fabian’ baka bumalik sa PH

0 41

Lumakas pa ang bagyong ‘Fabian’ at naging severe tropical storm, at ayon pa sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ay depende sa tatahahakin nitong direksiyon ay posibleng lumabas na ito o pumasok muli ng bansa.

Anunsyo ng Pagasa, maaaring lumabas na si Fabian ng Philippine area of responsibility (PAR) sa Martes ng gabi o Miyerkoles ng umaga o bumalik muli papasok ng bansa.

Lumakas anila sa 95 kph ang taglay na lakas ng hangin ng bagyo at 115 kph ang pagbugso. Kumikilos ito sa bilis na 15 kph at huling namataan sa extreme Northern Luzon.

“A southward shift in the orientation of the track forecasts has been observed in the past 24 hours. If the trend continues, there is an increasing possibility that Fabian will either re-enter the PAR or exit the PAR much later than the current forecast suggests,” paliwanag ng Pagasa.

Sa ngayon ay patuloy umanong pinalalakas ng hanging habagat ang bagyo kaya naman dapat pa ring asahan ang pag-ulan sa loob ng 24 oras sa Metro Manila, Ilocos Region, Zambales, Bataan, Occidental Min­doro, Palawan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo at Negros Occidental.

Samantala, maliban kay Fabian ay mino-minotor din ng Pagasa ang bagyo na nasa labas ng bansa na may international name na ‘Cempaka’. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.