Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Fabian’ lalakas sa loob ng 48 oras

0 35

Palalakasin ng hanging habagat ang bagyong ‘Fabian’ at sa loob ng 48 oras ay dapat asahan ang hatid nitong malalakas na pag-ulan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Sa weather forecast ng Pagasa ay hindi pa rin tatama ang bagyo sa lupa kaya wala silang tinaas na storm warning signal.

Gayunpaman, may hatid na malalakas na pag-ulan si Fabian dala na rin ng habagat.

Pinag-iingat ng Pagasa ang mga residente ng Metro Manila, Mimaropa, Calabarzon, Bataan, Zambales, at Western Visayas na pawang makararanas ng pag-ulan.

Ang bagyo ay huling namataan sa Northern Luzon, taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kph at pagbugso na hanggang 55 kph.

Sa Martes inaasa­hang lalabas ng Philippine Area of Responsibility si ‘Fabian’. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.