Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Face mask, guwantes sa jeepney driver

0 313

Mahigpit na security protocol ang ipatutupad sa mga jeepney driver na papayagang bumiyahe sa mga lansangan sa Metro Manila.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na batay sa inilabas na panuntunan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kailangang magsuot ng face mask at guwantes ang tsuper, at mayroong disinfectant ang jeep na papasada sa mga kalsada.

Kalahati lang aniya ang papayagang maximum capacity ng pasahero at may valid na personal passenger insurance policy.

Ang LTFRB aniya ang magsasabi kung “roadworthy” o puwedeng bumiyahe ang isang pampasaherong jeep. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.