Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Face mask puwedeng gamitin kahit 2 beses – Digong

0 353

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, dalawang beses pwedeng gamitin ang mga surgical mask na ginagamit laban sa COVID-19.

Nitong Lunes, diniin ng Pangulo ang importansya ng pagsusuot ng face mask sa kahit saang bansa.

“Social distancing, huwag kayong mag-sigaw-sigawan, nakadikit-dikit. Mask, America, Russia lahat China, mask, ito importante talaga,” saad ni Duterte sa kanyang meeting sa gabinete ukol sa COVID-19 efforts.

Dito nabanggit ng Pangulo na maaaring gamitin ang face mask nang hanggang dalawang ulit basta malagyan ng alcohol matapos isuot.

“Ngayon, kung wala kayo, I will try to buy as many as I can afford kung kaya ko, ibigay namin iyan sa inyo libre but wear it, and maski na gamitin mo siguro iyan ng dalawang beses okay man lang kung i-sprayan mo lang ng alcohol pagkatapos,” pakli ng Pangulo.

“Huwag iyong ini-i-spray mo at isuot mo kaagad. Iyong pagkatapos ng araw, hang it somewhere, i-sprayan mo lang ng lysol if you can afford it,” aniya pa.

Taliwas naman ito sa guideline ng World Health Organization, na sinasaad na kailangang itapon agad ang mga surgical mask matapos gamitin at hindi puwede ang pag-uulit nito sa ibang araw. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.