Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Face mask, shield inobliga sa mga pulis

0 48

Naglabas ng bagong panuntunan ang Philippine National Police (PNP) para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang hanay.

Ayon kay Lt. Gen. Guillermo Eleazar, PNP deputy chief for administration at commander ng Administrative Support for COVID-19 Task Force, inutos ito ni PNP Director General Debold Sinas base sa bagong patakaran kung saan kinakailangang i-quarantine agad ang isang pulis na magkakaroon ng close contact sa sinomang kasamahan na nagpositibo sa virus.

Kaya naman pinaalala ni Eleazar sa kapulisan na panatilihing suot ang kanilang face mask at face shield kahit nasa loob ng presinto, kampo at mga opisina ng PNP. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.