Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Face shield ‘di na kailangan sa mga jeep, bus

0 211

Hindi na obligado ang mga pasahero sa pampublikong sasakyan na magsuot ng face shield sa mga lugar na alert level 1, 2 at 3 ngunit sinabi ng Department of Transportation na mahigpit pa rin ipatutupad ang pagsusuot ng face mask, social distancing, at madalas na paghugas ng mga kamay.

Gayunman ay hindi pa rin umano dapat dumadaldal at kumakain ang mga taong nasa loob ng pumpublikong sasakyan.

Unang inobliga ang mga pasahero sa public transportation na magsuot ng face shield kasama ng face mask noong Agosto 15, 2020.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa bagong labas na resolusyon ng IATF na pinir­mahan nina Health Secretary Francisco Duque at Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, puwede nang hindi na magsuot ng face shield ang mga pasahero at inaprubahan ng lahat sa IATF, boluntaryo na lang ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar na nasa alert level 1 hanggang 3.

Sabi ng DOTr, agad na nitong ipatutupad ang bagong direktiba ng IATF. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.