Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Face shield ‘di obligado sa Marikina

0 174

Nilinaw ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro na opsiyonal lang ang paggamit ng face shield sa Lungsod ng Marikina, kasunod ng tanong ng mga residente kaugnay dito.

“Nililinaw ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina na hindi mandatory ang pagsusuot ng face shield sa siyudad,” ayon sa alkalde sa isang pahayag.

“Dahil ito nga ay optional, walang kaakibat na penalty o multa ang hindi pagsusuot ng face shield,” dagdag niya.

SM food to go Banner Ad

Nanawagan din si Teodoro sa publiko na magsuot ng face shield sa matataong lugar bilang dagdag-proteksiyon aniya laban sa COVID-19.

Ginawa ng alkalde ang paglilinaw matapos magpalabas ng anunsiyo ang Marikina Public information office na kailangang magsuot ng face shield sa mga coronavirus vaccination center.

Kasalakuyang nasa alert level 3 ang National Capital Region dahil sa tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 sanhi ng nakahahawang Omicron variant kung kaya’t pinaigting ang pagbabantay sa mga ‘di bakunadong lumalabas sa kanilang tahanan. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.