Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Face shield mandatory na – Malacañang

0 72

Inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Lunes na aprubado na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang rekomendasyon na pagsusuot ng face shield sa mga supermarket, palengke, mall at iba pang pampublikong lugar.

“Ang pagsuot ng face shield ay required na rin sa supermarket, public market, malls at venues ng government, at mga lugar kung saan isinasagawa ang mahahalagang serbisyo ng pamahalaan,” pahayag ni Roque.

Unang ginawang mandatory ang face shield sa mga pampublikong transportasyon at sa trabaho.

Hinikayat naman ni Roque ang mga local government unit na magbigay ng libreng face shield sa kanilang mga constituent lalo na sa mga senior citizen. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.