Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Face shield o headband?

0 169

Tila nagiging kampante yata mga tropapips ang ilan nating kababayan pagdating sa laban sa made in China na COVID-19 habang papalapit ang Pasko. Ang iba nga sa kanila, parang pakiramdam yata eh may agimat sila’t hindi dadapuan ng virus.

Pero bago yan, aba’y 11 taon na pala ang nakalilipas mula nang mangyari ang madugong “Maguindanao Massacre” kung saan mahigit 30 kabaro natin sa media ang kasama sa 57 katao na pinatay at ibinaon sa lupa kasama ang mga sasakyan na kanilang ginamit.

Hanggang ngayon, laman pa rin sa inuman ng ilan nating kurimaw ang tanong kung ano kayang pumasok sa isip ng mga Ampatuan na itinuturong mastermind kung bakit nila ginawa ang ganung kabrutal na krimen at talaga namang makaka-OMG ka.

Bukod kasi sa napakarami ang pinaslang na naka-convoy sa mga sasakyan, mantaking mong maging ang mga sasakyan ay pinitpit at tinangkang ibaon sa hukay. Hindi raw ba naisip ng kung sinoman ang nagpakana ng krimen na hahanapin at hahanapin ang napakaraming tao na magkakasama sa convoy para maghain ng certificate of candidacy sa eleksiyon.

At para sa kaalaman ng iba, 57 ang opisyal na bilang ng mga biktima sa masaker pero may pang-58 na biktima na hindi mailista dahil hindi na nakita pa ang kaniyang bangkay–ang photojournalist na si Reynaldo “Bebot” Momay.

Kung gagawan siguro ng pelikula ang masaker, magandang tutukan at gawing sentro ng istorya si Bebot baka sakaling mabigyan linaw ang nangyari sa kaniya. Kung hindi kasi siya kasama talaga sa mga nasawi, imposibleng hindi siya kokontak sa kaniyang pamilya sa nakalipas na 11 taon.
Samantala mga tropapips, gaya ng ibang bansa na may mga lugar na ibinabalik sa lockdown, ang Davao City na dating naka-modified general community quarantine na eh inilagay sa mas mahigpit na GCQ dahil dumadami muli ang kaso sa kanilang COVID.

Related Posts

Kung hindi mananatiling istrikto ang mga awtoridad at kung hindi magiging disiplinado ang mga tao sa Metro Manila na naka-GCQ pa, hindi malayong ibalik ito sa lalo pang mas mahigpit na enhanced community quarantine o ECQ.

Hindi imposibleng mangyari ito mga tropapips dahil marami ang hindi sumusunod sa ipinatutupad na health protocols. Aba’y sa mga mall, papasok ang mga tao na naka-face mask at face shield dahil iuutos ng security guard; pero kapag nasa loob na, itataas ang face shield na parang headband na lang at idadahilan na mainit sa mukha. Aba’y kung ayaw mainitan eh ‘di umuwi na lang.

Ang matindi, kahit ang mga nagtitinda sa loob ng mga mall na nag-aalok ng mga produkto ay itinataas ang kanilang face shield at hindi na sinisita ng umiikot na guwardiya.

Sa mga pampasaherong jeep, makikita mo rin na kahit may plastik kuno na harang, aba’y dikit-dikit na uli ang mga nakasakay at marami rin ang nakataas ang face shield.
Sa simbahan, may mga pari na walang face mask na nagmimisa at nangunguna pa sa pagkanta na hindi rin inirerekomenda ng IATF kahit sa mga videokehan at mga party dahil talsik-laway ka nga naman kapag bumirit na magkakalat ng virus.

Sa mga palengke gaya sa bagsak-presyo na Divisoria, dagsa ang mga mamimili at labu-labo na ang mga tao. Ang sabi ng DOH, kapag napakaraming tao sa iisang lugar, wala nang bisa ang face mask at face shield.

Sa Tundo na uso ang inuman sa lamay, marami pa rin ang pasaway na sinasakop pa ang kalsada para tumoma sa “big night” ng burol. Kawawa naman si Yorme Isko Moreno na ubod-tindi ang ginagawa para mapangalagaan lang ang mga Manilenyo kapag magkaroon ng “super spreader” sa burol o sa palengke.

Kung sa unang o ikalawang linggo ng Disyembre eh biglang sumipa ang COVID cases sa Metro Manila gaya sa Maynila, sabi nga mga tropapips natin–Alam Na This. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.