Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Face shield pa rin

0 143

Laban-bawi ang palasyo sa pagpapatupad ng mandatory use of face shield sa gitna ng Covid-19 pandemic.

Ilang oras matapos ianunsiyo ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na hindi na sapilitan ang pagsusuot nito, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabing kailangan pa rin ang face shield sa mga pampublikong lugar pati sa loob ng mga business establishment.

Base raw ‘yan sa payo ng mga health expert dahil hindi pa rin tapos ang laban ng buong mundo sa pandemya higit lalo ngayon na may mga lumalabas at nadidiskubreng bagong Covid-19 variant.

Pero ang ilang residente dito sa amin sa Tanza, Cavite, may agam-agam sa mandatory use of face shield. Marami ang may alinlangan sa sapilitang pagsusuot nito.

Ang tricycle driver na si Goary, aminadong nahihirapang magsuot nito lalo sa kanyang pamamasada. Takaw-aksidente pa raw kasi ang face shield dahil nahaharangan nito ang kanyang mga mata sa pagmamaneho.

SM food to go Banner Ad

Para naman sa sidewalk vendor na si Gilbert, gagdag-gastos ito para sa ordinaryong mamamayan gaya niya. Bente pesos daw ang nababawas sa arawang budget niya para lang makabili ng face shield.

Naglalaro sa pagitan ng bente hanggang kuwarenta pesos ang presyo ng face shield, depende sa klase.

Ang senior citizen namang si Rolando, bagaman nahihirapan sa paggamit ng face shield – wala naman daw siyang magagawa kundi sumunod dahil direktiba ito mula sa IATF.

Dito sa Tanza, tuluy-tuloy ang paninita ng pulisya sa mga residenteng hindi pa rin nagsusuot ng face mask at face shield sa mga pampublikong lugar. Regular na nag-iikot ang mga pulis para sabihan ang mga violator ng health protocols.

Sa kasalukuyan, Pilipinas na lang sa buong mundo ang nagpapatupad ng mandatory use of face shield. (with reports from Jhezzarie Doneza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.