Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Face to face class, aarangkada na sa piling paaralan

0 72

Sisimulan na sa susunod na taon ang face-to-face classes ngunit sa mga piling paaralan lamang na nasa low-risk areas o nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ) na lugar na binigyan ng go signal ng Pangulong Duterte at ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ayon sa pamunuan ng Department of Education (DepEd), ang pilot implementation ay para malaman ang kapasidad ng mga lugar na kayang simulan ang in-person classes at malaman kung sumunod sila sa itinakdang conditions and health protocols.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kailangang gawin ang face to face classes na may mahigpit na pag-iingat ng mga kasamang paaralan para sa pilot run at kailangang nakahanda rin ang paaralan sa pagpapatupad ng health and safety standards sa loob ng klase.

Una nang sinabi ni DepEd Secretary Leonor Magtolis-Briones na may mga regional directors na nagrerekomenda ng face-to-face classes at nilinaw nito na may kondisyon na kakaharapin ang bawat paaralan na nais nito at magiging limitado lamang ang mga papasok na estudyante sa face-to-face classes. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.