Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Face-to-face class hinirit ni Robredo sa COVID-free community

0 243

Hinirit ni Vice President Leni Robredo na payagan ang limitadong face-to-face class para sa mga lugar na wala nang naitatalang community transmission ng COVID-19.

Mungkahi ito ng Bise Presidente base sa mga hinaing ng ilang pamilya na walang kakayahan sa online learning at mapipilitan sa modular learning.

“Maraming mga lugar na coastal, maraming mga lugar na bukid na wala naman doong community transmission. Kung ipipilit mo iyong modular, baka nasasakripisyo natin iyong uri ng edukasyon na nakukuha ng mga learners,” ayon kay Robredo.

Aniya, ang solusyon para magpatuloy ang mga mag-aaral sa pagkatuto ay ang pagbabalik ng face-to-face class, kung saan maglalabas sila ng listahan ng mga lugar na walang community transmission para makatulong sa pagdedesisyon ng Department of Education.

“Huwag i-limit sa blended learning lahat, kasi iyong sinasabi ko nga , in communities where there is zero community transmission, baka naman pwedeng magkaroon na ng face-to-face,” dugtong pa nito. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.