Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Face-to-face class posible sa Agosto

0 283

Ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang posibilidad ng face-to-face classes sa Agosto.

Ito’y kasunod ng anunsyo ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na pagsapit ng nasabing buwan ay magkakaroon na ng tuloy-tuloy na suplay ng bakuna sa bansa.

“Baka by August, pupuwede na at least `yong pilot or `yong pilot can come earlier para mas marami na. Tingnan po natin. Lahat po iyan ay nakadepende sa pagbabakuna natin,” sabi ni Roque.

Naniniwala rin si Roque na hindi kokontra si Pangulong Rodrigo Duterte sa face-to-face class kung maraming Pilipino na ang mabakunahan kontra COVID-19.

“Dahil matagal nang inirekomenda po ng DepEd `yong pilot na pagbubukas ng ating mga paaralan, kapag dumami na po `yong nabakunahan, wala na pong objection ang ating Pangulo,” aniya pa.

Tinitingnan din ng DepEd na simulan ang susunod na school year sa Agosto 23. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.