Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Face-to-face class sa medical student hindi sapilitan

0 201

Hindi pipilitin ang mga estudyanteng may kursong medisina na pumasok sa eskuwelahan sa pagpapatupad ng limitadong face-to-face class, ayon sa Commission on Higher Education (CHED).

PANOORIN: Baboy vendor umaaray sa taas-presyo

Kasabay nito, nagbabala si CHED Chairman Prospero de Vera na pansamantalang isasara ang mga eskuwelahan sakaling makapagtala ito ng COVID-19 case na may kinalaman sa face-to-face class.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa Laging Handa briefing nitong Lunes, sinabi ni De Vera na nagsumite na ng aplikasyon ang ilang higher education institution na gustong mag-face-to-face class.

PANOORIN: Vaccination Simulation Exercise dinaluhan ni Yorme Isko Moreno

Noong nakaraang buwan pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang limitadong face-to-face class para sa mga kursong may kinalaman sa medisina sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) at modified GCQ.

Umaasa ang Pangulo na magkaroon ng mga graduate na magpapalakas sa healthcare system ng bansa ngayong pandemya kung saan kailangan na kailangan ng mga doktor. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.