Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Face-to-face isyu sa Zambales pinalagan ng DepEd

0 401

Nanindigan ang Department of Education (DepEd) Central Office na wala silang ibinibigay na approval sa lahat ng sector nito na magkaroon ng face-to-face activities na may kaugnayan sa In-Service Training at iba pang seminars para sa mga guro.

Ito ay dahil nagpalabas na ang ahensya ng mahigpit na guidelines at health protocols sa mga trabaho at opisina mula sa IATF, Department of Health (DOH), at the Civil Service Commission (CSC).

Kasunod nito ang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa naganap na hawaan nang ma-expose ang isang guro na nagtataglay na pala ng coronavirus disease (COVID-19) at dumalo pa sa seminar sa isang resort sa Zambales noong March 2-6, 2021.

Sinabi pa ng DepEd na magsasampa sila ng disciplinary actions for authorities na lumabag sa ipinalabas na protocols. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.